188 NPA terrorists sumuko sa loob lamang ng 3 linggo

Ayon kay Lt. Col. Emma­nuel Garcia, Chief ng AFP Public Affairs Office, ito’y ka­ugnay ng determinadong opensiba ng tropa ng pamahalaan upang tuldukan ang pamamayagpag ng NPA terrorists sa bansa.

Kabilang sa mga nagsisuko, ayon sa opisyal ay ang 52 NPA nitong Enero 21 ng taong ito mula sa mga lalawigan ng Masbate at Sultan Kudarat.

Samantalang nasa pitong NPA at 35 pang mga miyembro ng Militia ng bayan ang sumurender rin sa mga elemento ng Army’s 2nd Infantry Battalion sa Masbate City na nagsuko rin ng nasa 13 sari-saring mga armas.Image may contain: 2 people, text

Post a Comment