Task Force Mayon, hinikayat ang mga NPA na tumulong sa kalamidad kaysa makipagbakbakan

LEGAZPI CITY – Hinimok ngayon ng Task Force Sagip Para sa Mayon ang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na makiisa na lamang sa pagtulong sa mga apektadong residente ng nag-aalburotong bulkan kaysa magsagawa ng mga kaguluhan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Task Force Mayon spokesperson Col. Patrick Cinco, apela nitong ipakita umano ng armadong grupo ang pagiging makatao sa gitna ng krisis na pinagdaraanan ng mga kababayang Bikolano.

Image may contain: one or more people and text

Giit pa ni Cinco na mas maigi rin kung magsisibalik-loob na ang mga ito sa pamahalaan at ipagpatuloy ang normal na buhay.

Matatandaang maghahatid sana ng relief goods sa bayan ng Guinobatan ang ilang kasapi ng naturang task force sa unang linggo ng pag-aalburoto ng bulkan nang paputukan ng mga pinaniniwalaang NPA habang suwerte namang walang nasaktan sa insidente.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng binuong task force ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tuloy-tuloy na pagtulong na bahagi ng kanilang humanitarian assistance at disaster response.

http://www.bomboradyo.com/task-force-mayon-hinikayat-ang-mga-npa-na-tumulong-sa-kalamidad-kaysa-makipagbakbakan/

Post a Comment